The AMPALAYA stories.

Lahat ng tao makararanas ng mapait na pangayayari sa buhay nila.. At dahil diyan nais kong i-dedicate ang post na ito sainyo at sa akin na rin mismo na nakaranas na rin ng mapapait na pangyayari sa buhay.


Disclaimer: (These are lines (mga hugot) , and statements from different sources/artists, compiled by the author to give readers a better grasp of the painful and bitterness of their experiences (lol, Dami kong alam eh nuh?) Not all stated are personal lines of the author.. the author does not owned all of what is written here.)


ANG AMPALAYA Stories.

(Mga salitang binitawan ng mga pusong nasaktan, umasa, at nagmahal lamang ngunit binalewala..Chos!)

 

“Huwag mo na akong hawakan kung hindi mo rin naman tatagalan.
Huwag mo na akong yakapin kung hindi mo rin naman hihigpitan.
Huwag mo na akong halikan kung hindi mo rin naman didiinan.
Huwag mo na akong mahalin kung hindi mo rin naman paninindigan.”

“Darating din siya. Ang tama na dahilan ng lahat ng mali. Ang oo na dahilan ng lahat ng hindi. Ang sapagkat na dahilan ng lahat ng bakit. “

“Minsan ang sorry parang pera, tatanggapin mo nalang kahit di ka sigurado kung totoo ba o peke na.” 

“Move on ba kamo? Tinatry ko naman eh.. Kaso yung mga walanghiya kong kaibigan ang ‘di maka move on kababanggit sa pangalan mo.”

“Akala ko love for me na, yun pala love for all siya..”

” Kung tutuusin madaling idelete ang pangalan mo sa friendlist ko pero mahirap alisin ang pangalan mo sa buhay ko. Lalo na kung after kita idelete tatanungin ko naman sa kaibigan ko, uy may bagong post sya? Ano sabi? naka in-relationship na ba?” 


Masakit ba nakakarelate ka ba? Sige ipagluluto kita ng ginisang Ampalaya mamaya, parang katulad kung paano ginisa-gisa yung feelings mo ng taong nanakit sayo..at bandang huli patitikimin ka lang ng mapait na pag-ibig. 

13170029_1743770842536287_1282643490_o


ANG AMPALAYA Hugot:

  • “Ayaw mong Tumaba pero kain ka ng kain, parang sa pag-ibig..ayaw mong masaktan pero asa ka ng asa.
  • “AMPALAYA.. minsan gulay minsan ikaw.”
  • “Ang Ampalaya inuulam, hindi INUUGALI
  • “Alam mo ba yung mapait sa Pag-ibig?…iyon eh..AMPALAYAin ka.”
  • “Ampalaya ka ba kasi kahit anong pait ang maranasan ko sayo, ikaw pa rin ang sustansya ng buhay ko.”
  • “Ulam ka ba? bakit?… Ang bitter mo kasi!” 

 


Pero sana sa panahon ngayon.. sana lang AMPALAYA lang ang BITTER..

At para sa mga feeling bitter.. Wag nyo naman kasi araw-arawin ang pagkain ng Ampalaya. 

Marami pang gulay sa Bahay Kubo oh..Gumagaya ka pa kasi sa Amapalaya na bitter porket ‘di napasama sa Bahay kubo eh. 😀 (Hala sige kantahin mo pa yang Bahay Kubo.. hahahah!)

Anyways my friend, it’ s normal to get hurt.. but don’t let this affect you negatively.

Gayahin mo Si Clark sa #OTWOL naging inspirasyon niya yung bitterness sa paghihiwalay nila ni Leah (grabe iyak ko nun huhuhuhu) at naging successful siya. Naging flat form of change niya ang pagkabitter n’ya into a better version of himself.

in short BE BETTER NOT BITTER!


So guys ano ulam niyo mamaya?

Masarap naman kung mag try kayo ng Adobo..

Diba ganyan naman ang mga babae, parang Adobo?

Minsan may TOYO, Minsan WALA pero kahit ganoon…

Masarap parin kasalo sa buhay.


Sources:

Ampalaya Monologues

“Adventures of Camille”

CandyMag.com


 

#muntingsiirene

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s